Thursday, March 29, 2018

Pagdiriwang ng Huwebes Santo
Ni: Lorrie Rein Perlac

Tuwing Huwebes Santo, ginugunita ng mga Katoliko ang pagsariwa sa pagpapakumbaba at pagmamahal ni Kristo sa kanyang labing-dalawang apostol sa pamamagitan ng paghuhugas ng mga paa nito.

Sa ganap na ika lima at kalahati ng hapon, isinagawa ang misa sa Parokya ni San Pedro Apostol sa Borol 2nd Balagtas Bulacan ang paghuhugas sa mga paa ng labing dalawang Apostol sa pangunguna ng Kura Paroko ng simbahan na si Rev. Fr. Dennis Pascual at Fr. Jay Marcelo.



Mula sa samahan ng Couples for Christ ang mga gumanap na apostol banal na misa.


Matapos ang seremonya ng paghuhugas ng paa, nagkaroon ng isang maliit na salu-salo ang mga Apostol kasama ang mga pari sa simbahan.



Isinagawa na rin sa loob ng simbahan ang pagprusisyon sa Banal na Santisimo Sakramento at kasunod nito ay ang pagbabantay ng bawat organisasyon at bawat samahan sa loob ng simbahan.


Tinatayang mahigit limangdaan ang dumalo at nakiisa sa gawaing ito ng simbahan, gayunpaman, patuloy rin ang pagdagsa ng mga tao mula sa iba't-ibang lugar para mag-Visita Iglesia. 



No comments:

Post a Comment

Reviving the strokes: Are Filipinos ready for Baybayin? Nicole Beltran, Rose Mae Dela Cruz, Dana Mirador You are probably one o...