By: Jamie Hernandez and Aaron San Mateo
Taun-taong tradisyon na sa barangay ng Kapitangan sa bayan
ng Paombong ang pagpapako sa Krus tuwing sasapit ang Semana Santa. Taun-taon din
ay dinarayo ito ng mga taga-ibang bayan, maging sa ibang probinsya at maski ang
mga dayuhan nagbabakasyon sa bansa.
Si Manong Erik, 34 apat na taong gulang at residente ng
Kapitangan ay nasa ika-apat na taon na ng pagpapapako. Ayon sakanya, nagsimula ang
panata niya noong nanaginip siya at sa pag-gising niya ay alam niya ng kaya niya
ang magpapako sa krus.
"Kasi kaya ko naituloy to ay dahil lang din sakanya
[Diyos] ang salita ko sakanya kung dapat lang iatang mo sakin to tatangapin ko para
sa pamilya ko," ika ni Mang Erik
Kasabay ng kanyang pamamanata ay ang kanyang dalangin sa
kalusugan niya at ng buong pamilya niya.
"Basta ang lagi ko lang dalangin sa sarili ko, wag
lang magkasakit 'yong mga anak ko [at] buong pamilya ko," saad niya.
Ang pakong ginamit niya, ay ang pako ring kanyang unang
ginamit apat na taon na ang nakalipas. Gaya ng ibang mga namamanata, ay parehong
pako ang kanilang ginagamit sa kanilang debosyon. Ayon kay Mang Erik, ang paggawa
ng mga pako ay naging panata na din ng mga gumagawa nito.
“Yong langis na pinaglalagyan [ng mga pako], galing doon
sa simbahan ng Kapitangan. Hindi na namin
inilalagay sa alcohol kasi para sa amin, sapat na yong mabendisyunan para maayos
[gamitin] yong mga pako, aniya.
Pagkabunot naman ng pako ay hindi na nila ito kinakailangang
dalhin sa ospital, dahil naniniwala siya na sapat na ang debosyon at paniniwala
niya upang siya'y gumaling. Ang krus na kanyang binubuhat naman ay nagtitimbang
ng isang daan (100) mahigit.
“Sa amin oras na pagkabunot, dinadasal na lang kasi para
sa amin, sapat na nga yong debosyon, yong paniniwala kasi wala namangibang magpapagaling
sa sarili ko kundi Siya lang. Ang dalangin, Siya lang naman ang nagpapagaling sa
akin kaya bat pa ako pupunta sa ospital? Mabilis lang naman gumaling [yong sugat].
Paglilinaw din ni Mang Erik na walang kinalaman ang pari
sa mga ginagawang tradisyon sa nasabing barangay.
“Kasi diyan sa Kapitangan, tradisyon na talaga yan. Simula
nong bata pa ako, tradisyon na talaga yan. Ang nasusunod kasi diyan, ang taong-bayan,
yong mismong namamanata talaga. Hindi nangingialam yong mga pari sa amin kasi
alama nila kapag nangialam sila doon, papalitan agad sila. Kasi taong-bayan talaga
ang namamahala sa [tradisyon] sa Kapitangan.”
Samantala, ang namamanata na si Mang Erik ay ipinako sa
Krus ngayong araw ng Huwebes Santo sa Anilao, Pampanga ganap na 11:30 ng umaga.
Nagkaroon rin siya ng mensahe sa mga hindi Katoliko na
huwag na lamang silang mamula o mamuna dahil iba iba tayo ng paraan ng pamamanata.
"Ang mensahe ko lang sakanila lalong lalo sa mga taong
hindi katoliko, kasi iisa lang naman tinitingnan natin wag nalang silang mamula,"
saad niya.
No comments:
Post a Comment