Friday, March 9, 2018

VIRAL: Mataas na conveyor belt, nagiging sanhi ng pagkasira ng bagahe

By: Clarenz Manag

Courtesy: Annie Dogillo


Nakuhanan ng video ang mga bagaheng tila ba ay tumitilapon mula sa matarik na conveyor belt ng NAIA Terminal 1 na nagiging sanhi ng pagkasira ng mga ito.

Sa facebook post ni Annie Dogillo na kuha noong Huwebes sa NAIA Terminal 1 makikita kung gaano kataas ang binabagsakan ng mga bagahe mula sa check-in counter pababa sa build-up area.


Sabi pa sa isang facebook comment na sana ay ipakalat daw ang mistulang video para malaman ng mga tao na hindi pagnanakaw ang dahilan kung bakit nasisira ang ibang mga bagahe.


Sinasabi rin na may mga pagkakataon na sumasabit ang mga lock sa conveyor kaya ito nasisira.

Ayon sa facebook user, pag-aari raw ng MIAA ang baggage conveyor belt na nasa video at hindi ng MIASCOR Aviation Services.

Ngayon ay tinatawag nila ang pansin ang DOTC at MIAA para sa issue na ito.

No comments:

Post a Comment

Reviving the strokes: Are Filipinos ready for Baybayin? Nicole Beltran, Rose Mae Dela Cruz, Dana Mirador You are probably one o...